Sunday, May 28, 2017

UNANG SINALAKAY NG MAUTE SA MARAWI, NAGMISTULANG GHOST TOWN!

video
(click the video)
          Nagmistulang parang ghost town ang barangay Basak na unang sinalakay ng mga teroristang Maute sa bayan ng Marawi. Sobrang nagulat ang lahat ng matunton ang lugar dahil halos ginawang target shooting practice ang ginawa ng mga terorista sa mga kabahayan na andoon dahil sa tadtad ng bala na makikita mo sa paligid. 

          Walang katao tao sa lugar dahil lahat ay nagalisan o nagtatago pa din sa kanilang mga bahay dahil sa takot na baka balikan pa sila ng mga bandido. Tanging mga media at sundalo na lamang ang makikita mo sa lugar. Makikitang may sasakyang truck na pinaliguan ng bala at sinabing namatay lahat ang nasa loob noon. May mga tama din ng mga bala ang clinic na nakuhanan ng video at hindi pa alam kung may mga namatay doon dahil tadtad din ito ng mga bala. 

          Ang lugar na ito ay sinabing ligtas na dahil hawak na ito ng mga sundalo ng AFP. May mga ilang residenteng naiwan na humihingi ng tulong at walang makain dahil walang tindahan bukas at ubos na din ang kanilang mga pagkain sa kanilang mga bahay. 
          

No comments:

Post a Comment