Saturday, May 27, 2017

PRRD BUMISITA MALAPIT SA BAKBAKAN!

video

video


Iligan City, Lanao del Norte
       
          Hindi alintana ang totoong panganib ng bumisita ang ating Pangulo malapit sa bakbakan ng mga teroristang grupo at ng ating mga kapulisan at kasundaluhan. Dinalaw niya ang mga nasugatan gayon din ang mga namatay nating magigiting na tagapagtanggol ng kapayapaan. Nais ng ating Pangulo na lumakas at tumibay pa ang loob ng ating magigiting na mga bayani kaya walang dalawang isip na pinuntahan niya ang mga ito malapit sa lugar ng bakbakan.

          Naging emosyonal naman ang ating mahal na Pangulo sa harap ng labi ng ilan nating mga Pulis at Sundalo na nagbuwis ng buhay para sa kapayapaan. 

           Ayon sa balita, may 31 ng namatay sa panig ng mga terorista at sa kasamaang palad naman ay may 11 patay na sa hanay ng gobyerno. Saludo kaming lahat para sa matatapang at magigiting nating mga Sundalo at Pulis! 

Sources:
https://www.youtube.com/user/RTVMalacanang/videos

No comments:

Post a Comment