Sunday, May 28, 2017

61 NA ANG PATAY SA MAUTE GROUP!

         

video
(click the video above)


          8 patay na mga sibilyan ang nakita sa tabi ng daan malapit sa border ng iligan at marawi na nakatali at puno ng tama ng bala ang katawan ng mga ito. Hinihinalang pinatay ng mga terorista ang mga nasabing mga patay dahil may nakapagsabi na kinuha sila sa check point ng mga Maute Group. 4 na lalaki, 3 babae at nkakalungkot na may isang bata ang pinatay ng walang awa.

          Dahil sa tuloy tuloy na pagatake ng ating mga sundalo, 61 na ang patay sa panig ng mga terorista, 15 (11 sundalo at 4 na pulis) naman sa panig ng mga sundalo at 19 na ang kumprimadong patay sa mga sibilyan.

          Meron pang 2,000 mga nastranded sa kanilang mga kabahayan na hindi pa makaalis dahil na din sa takot. Ang ating mga kasundaluhan ay hindi naman tumitigil para mailigtas ang mga natitirang sibilyan na naipit sa bakbakan.

No comments:

Post a Comment